Anong pangalan mo?

Kakaasar naman.
Kay rami nang nakapilang at bumubulagtang requirements samin.
Parating na kasi ang YMSAT.

Next week, wala kaming pasok, puro activities at mga speech na makukuhanan ng leksyon pero mahahabang nakakainip nanaman. Ano nga kaya ang mangyayari sakin?

Tungkol sa storya ko, nag-iisip pa ko ng magandang pangalan para sa leading characters. Kesa naman ako yung pangalan tapos galing sa mars yung isa. Pwede namang pag-isipang mabuti ang mga pangalan diba?

Maraming tao ayaw sa pangalan nila ngayon.
Bakit nga ba?!?

Kasalanan ba ng magulang  na nagluwal satin?😛
O kasalanan ng ating sarili kaya’t nadudumihan at naalibudburan ng  kadungisan ang pangalan at dignidad natin?

Wala lang. Walang sense kasi kung magpapalit ka pangalan diba? Tinatakbuhan mo lang ang nakaraan kung gayon.

Yeahbah. Mayroon nga namang oras na pwedeng palitan ang pangalan. Ukol sa Konstitusyon ng Pilipinas, maaari mo lamang palitan ng panandalian o panghabangbuhay ang pangalan mo kapag ika’y nasa bingit ng panganib.

Legal ba ang screen name?!
Hindi ko rin alam eh :))

Masaya na ko sa pumapasa kong grades…

Isa lang bagsak ko, sana wala na ngayong Markahan.
Hindi na ko tinatamad magpost, hindi tulad dati.
Gusto niyo ba makita mga luma kong blogs?!

Lagay ako link sa ‘Blogroll’

“Masayang magbalik-tanaw sa nakaraan, ngunit hanggang doon nalamang ba tayo?!”
Ibig ko lang sabihin, wag mawawalan ng pag-asa.

Nothing’s imposible… Imposible is nothing…😛


About this entry