Kabanata 2 : Wag kang kumurap!

Ako nga’y bumalik sa aming bahay, hinablot ang ‘kamera’ at madaling umalis muli. “Nako, tanghaling tapat na, maaaring naghihintay na si Paty sa restaurant. Lagot nanaman ako! Late nalang lagi!” Ika nga ako daw ay isang taong palaging wala sa oras, kung hindi ako late, masyadong maaga naman. Habang ako’y naglalakbay at naglalakad sa kahabaan ng kalye, ako’y napasulyap sa isang pulibi na nanghihingi ng pera, nanlilimos. Nasa isip kong bigyan ito ng pera ngunit naalala ko ang payo ng aking nanay. “Bigyan mo nalang ng pagkain, kasi kapag binigyan mo ang pulubi ng isang damakmak na pera’y di mo malalaman kung saan hahantong o lalapag ang pera.” Naniniwala rin ako, malay mo nga nama’y sindikato! Maaari ring ipangbili ng ‘rugby’ upang langhapin ang nakakalasong amoy nito. Kaya’t napagpasiyahan kong bumili ng sago’t gulaman sa karinderya at binili ng barbeque ang pulubi. Iniabot ang sukling 5 piso sa batang musmusin at sira-sira ang kamiseta at tumakbong palusong, papuntang mall.

Sa paglalakabay ko papunta sa katanawan ng mall, ako’y nahihiyang tumuloy!“1 o clock na, hindi pa ata siya kumakain. Malay ko bang malalate ako, waaah. Malas talaga ng buhay.” Pagdating ko sa meeting place, nanginig, nangatal! Ang cellphone ko, nakavibrate mode pa nga pala. Pagkatanggap ng text “BkiT wla ka pa Mitz!?”, nagreply ako. “Waaah, sorry Paty, malalate ako!”. Pagkarating ko sa ‘meeting place’ sa may kataastaasan at kaduluhan ng ikaapat na palapag, natanggap ko ang text ni Paty. “Wahaha, sori malal8 ako!” Patawa talaga to’, kala ko pa naman nauna na siya. Pero yun pala, sabay kami nagtext, pagtingin ko sa oras ng pagkasend ko sa kanya at pagkatanggap ko ng text niya ay sabay. Kaya’t bigla ko nalang siyang nakita, nakaupo sa rako’y doon, pinagmamasdan ang alapaap at sabay kong tinakpan ang kanyang mga mata at ginulat siya.

Madaling maasar si Paty at biglang pinalo ako at sinapak, mahina lang naman. Tapos niyang mapansin na ako yun. Sinuntok niya ako sa parteng tiyan, palagi niyang ginagawa yun dati sa akin, nasanay na rin ako. “Wahahaha. Kala ko ako malalate! Sabay lang pala tayo” Tapos nagkwentuhan sila habang naglalakad sa mall, pareho nilang naikwento na may pulubi silang nakitang naka-kamisetang butas-butas. Pareho nilang binigyan ng pagkain ang bata. Nagtataka si Paty “Bakit pareho ba tayo ng dinaanan? Eh diba opposite direction ang pinanggalingnan natin?”

Note: iniisip ko pa kung sino yung dalawa. tentative nalang muna xd


About this entry