Kabanata 1 : Kung may pagkakataon

“Asan na ang mga oras na kita’y nasulayapan?
Asan na ang mga ala-ala na sayo’y inialay?”

Tila oras na ang nagpahayag, oras ang nagbigay pansin. Panibagong taon ang muling bumungad, namukadkad yao’y sa dilim ng takip-silim. Simoy ng mauusok na pulbura ng mga nagsi-sindihang paputok ay nalanghap kong bahagya, lumipas nanaman ang taon, ano ang aasahan sa panibago? Muli bang maibabalik ang lahat ng bagay sa lumipas na oras na nagsilbing ala-ala na lamang?
Enero, buwan panimula, ito marahil ay nagpamalas ng panibagong simula sa atin. Tanghaling tapat ng ako’y nagising at bumangon mula sa aking kinatutulugan. Bumungad sa aking harap ang kanyang ‘prized’ possesion. Ito ay nagsilbing o nagbigay gabay sa akin upang maala-ala ang lahat na nangyari noon. Ang aking tanyag na ‘kamera’, o bakit ba ito’y mahalaga sakin. Naisip-isip ko, “Gusto ko maging photographer, nawa’y mapakita ko ang buong katotohanan sa pamamagitan ng aking kamera, at sa pagkuha ng mga magagandang imahe. “ Gusto ko magawa ang bagay na hindi nila nagagawa, gusto ko maipakita sa lahat ng tao… na lahat ay maaaring mangyari. Ako’y napatingin sa alapaap, at napatingin sa asul, puti at nangingitim na kulay nito, at ako’y bahagyang napa-isip.
“Ano kayang ginagawa niya ngayon?”
Dumating ang oras at napansin na siya’y naidlip, na-iinip, nagmumukmok sa isang tabi. Naghihintay nga ba siya magpasukan? Marahil siya ay nalulungkot sa pagkabugnot sa bahay nilang malaki. Ano nga bang gagawin ng yaman sa buhay ng tao, mas masaya atang mabuhay ng simple diba? Napaisip ako, umikot-ikot sa aking utak ang mga bagay na nagbigay daan upang ako’y magising. Biglang umalingasaw ang ingay ng cellphone.
*kring*kring*
May tumatawag! Pagkaangat ng aking cellphone ay nagmadali akong nagbihis at nag-aya siyang pumunta sa isang mall. Naiwan ko ang aking ‘kamera’ at ako’y kumaripas ako sa pagtakbo.

Maaaring ako’y napaunlakan ng mga pangyayari, minsan-minsan lamang mangyari toh’ saking buhay. Mantak mo yun, kung iisipin mo, siya pa mismo yung nag-aya lumabas! Kung mamarapatin sana’y ng naisip ko siya sa aking pag-idlip, tatawagan ko na nga sana siya. Tatawagan ko at aayain ko lumabas. Maliban sa malaking tuwa na naidulot ng pangyayari, sa kaligitnaan ng daan, naalala ko. “Mukhang may nakakalimutan ako” Kinapa ko ang aking mga bulsa at nagdadalawang-isip na kung ako ba’y babalik sa aming bahay o ako’y didiretso na sa mall. Malapit na ko ma’late’, sana hintayin niya ko kahit sandali.


About this entry